PAGBASA SA DIGMAAN: ISANG DISKURSONG ANALISIS SA TALUMPATI NG MGA PANGULO NA SINA AQUINO, DUTERTE, AT MARCOS JR.
Abstract
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang mga diskursong makadigmaan sa pamamagitan ng mga talumpati ng tatlong pangulo na sina Pangulong Benigno Aquino III (PNoy), Rodrigo Duterte (Du30), at Ferdinand Marcos Jr. (BBM). Ang pag-aaral ay nakapokus sa pagsagot kung paano ginagamit ang retorika ng digmaan upang hubugin ang pambansang kamalayan at kung paano nagkakaiba ang ideolohikal na pundasyon ng bawat lider sa paggawad ng kapangyarihan. Gamit ang kwalitatibong metodo at interdisiplinaryong dulog na nag-uugnay sa bagong linggwistika pangkapayapaan at kritikal na pagsusuri sa diskurso, sinuri ang mga nakatagong ideolohiya at ebolusyon ng salitang “digmaan” sa loob ng mga piling talumpati ng mga pangulo. Nilayon din nitong uriin ang mga pahayag sa kategoryang positibo, neutral, at negatibong diskurso batay sa konteksto, tono, at pragmatikong layunin ng mga piniling salitang maka-digmaan. Natuklasan sa pagsusuri ang sistematikong ebolusyon sa kahulugan ng digmaan: (1) Sa diskursong pahiwatig mula kay Aquino, ang digmaan ay institusyonal at nakatutok sa pagsugpo sa korapsyon gamit ang positibong diskurso ng moralidad; (2) Batay sa pahiwatig na nagmumula sa diskurso ni Duterte, ang digmaan ay personal at pisikal na laban sa kriminalidad at terorismo gamit ang negatibong diskurso ng takot upang bigyang-katwiran ang mararahas na aksyon; at (3)
Downloads
Published
Issue
Section
License

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivatives 4.0 International License.